Biyernes, Pebrero 15, 2013

this is called love

       Hindi ko alam kung paano ako mag uumpisa.. maraming masasayang araw na lumipas.. hindi ko pa ma-update hanggang ngayon sa tingin ko kailngan ko talaga ng mahabang oras..
    pero ang punto ko ngayon,  hindi ko din maipaliwanag ang nararamdaman ko .. may masasayang araw na tila gusto ko na hindi na umalis doon.. pero alam ko sa bandang huli ako din ang masasaktan.. marami akong mga pag kakamaling ginawa,  mga desisyon  na hindi ko pinag isipan, sinunod ko lang ang emosyong nararamdaman ko .. na akala ko makakalimutan ko ang lahat ng kalungkutan, mawawala ang mga malulungkot na araw na gusto kong takasan.. kaya sa kahit anung saya ng araw may lungkot pa din na naiiwan, galit, bitternes, disappointment,  madalas nga kung sino pa ang may lumikha ng lahat ng bagay ay madalas ko naman syang kalimutan.. pinilit ko lang ang gusto ko sa ibang tao, na akala ko  kaya ko,  kung sino pa yung mga taong nasa paligid ko na palaging nandyan sila pa yung hindi ko appreciated.. may iba na nag tapat ng nararamdaman nya kahit mahirap sa kanya na sabihin sakin ang nararamdaman nya,  na kahit na sobrang labo na ganun din ang maramdaman ko sa kanya ay nag lakas loob pa din syang sabihin yun at masasabi kong napaka buti nyang tao, may iba naman na palagi ko na palang kausap, handa nya kong pakinggan  pero inaaway ko lang naman sya .. at hindi masyado binibigyan ng importansya, sya pala itong isa sa mga tunay kong kaibigan at hindi lahat ng lalaki ay katulad nya kung dumamay, ang ilan naman mga babaeng mag kakaiba iba ng personalidad na alam kong hindi talaga kami mag kakasundo sa mga hilig ko, at madalas pinag lilihiman ko pa din ng ibang bagay pero sa bandang huli sila at sila padin ang mga taong handa akong iangat..tulungan at handa akong pakisamahan sa pangit at maganda kong araw..at lalo na yung isang tao na alam kong tanggap ang buong pagkatao ko, at alam ko kahit araw araw kaya nya kong mahalin, sya pa na hindi ko din pinapansin, madalas kalimutan, at pakiramdam kong wala kaming pinag samahan sya pa itong patuloy kong sinasaktan.. parehas lang din sa ginagawa ko sa pamilya ko..

 At sobrang sakit ng ginawa ko... pakiramdam ko ang sama-sama ko.. kaya ngayon ung pag-ibig o pagmamahal na hinahanap ko e matagal na palang nandyan... nabubulagan lang ako...Gusto ko humingi ng tawad.. sa lahat.. at patuloy din na mag papasalamat lalo na kay Lord na pinapa realize nya ang lahat ng ito...T_T

                              Ang Pag-ibig na hindi mapapantayan ng sino man sa mundo.. Ang pag-ibig nya na mas malalim pa sa ikalaliman ng dagat, malawak na malawak pa sa universe.. hindi ko alam bat ako nag sasalita ng mga ganto pero umiiyak ako sa kantang toh...T_T


Salamat din sa mga taong buong pusong nag effort na ibigay ang mga bagay na ito.. hindi ko talaga inaasahan na kayo pa ang mag bibigay nito..:( 

          Everything sweet and Nice... Rose, Chocolates, or display rose, love letter.. Much Appreciated <3 Ilove you all soo much...











Walang komento:

Mag-post ng isang Komento