Holy Thursday..(yesterday)
- Nasa kwarto lang ako, hindi lumabas ng bahay, may load pero walang gana mag text, ang kasama ko lang ay ang kapatid kong babae at kasambahay namin.. nakakapanibago ng walang ginagawa dahil tapos na ang ojt ko at magpapraktis na lang ng graduation next week, at laging ganito tuwing holy week tahimik, hindi sya boring kase may kakaibang presensya akong nararamdaman, nagagalak ang puso ko, nasa mood naman ako.. wala akong ibang ginawa kung di buklatin na lang mga notes ko habang kapatid ko naman binabasa yung bible nya at parehas namin inaalala yung mga sinulat namin last year nung nag celebrate kami ng holy week then biglang binuksan ng kasam-bahay namin yung TV at doon ko napasin hindi lang pala puro drama at kwela ang palabas ngayon, parehas kami ng kapatid ko napalingon dahil may magagandang mensahe kaming naririnig at excited ako marining lahat.. sayang lang at matatapos na pala iyon pero sobrang na blessed kami sa mga preacher na nag share about God's words .. they touch my heart and i feel the presence of God :)
(yesterday)
i was wonder bakit 8th word ang title instead na 7th word pero nung si BO Sanchez na ang last preacher i realize the 8th word is ME :)
GOOD FRIDAY -
Noon wala akong paki alam sa mga ganitong celebration pero simula ng tinanggap ko sa aking puso si Hesus, i try to put into practice lahat ng ito .. at mag kakaiba man ng pag cecelebrate ng iba nirerespeto ko ang lahat ..at mabuti na lang din na may mga ganitong website - HOLY WEEK
para maunawan ng iba kung ano ang holy week, and This week is napaka importante nito na alalahanin ang lahat..lalo na it reminds us of Jesus and his suffering and death and resurrection..
kami noon last year ay nakinig ng preach ni pastor at nagkaroon kami ng film showing ang lahat ay imbitado at maraming nanood , ang pinanood namin noon ay The Passion Of the Christ at talagang naluluha ako kapag pinapanood ko yun at mamayang 2pm naman kami ulit ay aattend ng service at magkakaroon muli ng Film showing wala pa akong idea sa ipapalabas pero excited na ako at sisimulan ko na rin ang pag papasting ko at pag bubulay-bulay ng salita ng Diyos..
i know it sounds ridiculous pero ito talaga ang nagpapagaan ng kalooban ko.. at masaya ako na naglilingkod ako sa Diyos at kahit marami akong pagkukulang nakikita ko na araw-araw ay binabago ako ng Diyos..
anyway i wanna share this Videos na isa sa mga inspirasyon ko.. at talagang may ikapupulot na aral..
Click this Link - MY INSPIRATIONAL VIDEOS
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento